Thursday, November 26, 2009

AP Exam Reviewer

Name:__________________________________ Section: 1-H Date: 11/26/09 HPS:75

AP Exam Reviewer

I. Multiple Choice. (IPs)

A.T’Boli B.Mangyan C.Manobo D.Dumagat E.Ifugao

1.) Kilala sila sa kakayahang maghabi ng tinatawag nating T’nalak.
2.) Sila ay kilala bilang mga taong nagsasaka sa basa at tuyong lupa.
3.) Sila ay kilala dahil sa kanilang pangangalap ng mga bubuyog.
4.) Sila ay mga IP na natatagpuan sa Mindoro.
5.) Kinikilala natin sila bilang mga “sea gypsies.”

II. Multiple Choice. (Islam-Limang Haligid)

A.Shahada B.Zakat C.Salat D.Saum E.Hajj

1.) Ito ayang pagbisita ng mga Muslim sa Mecca.
2.) Ito ay ang paglilimos sa mga nangangailangan, naslanta ng sakuna,may sakit, at naghihikahos.
3.) Ito ay ang 30 araw ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.
4.) Ito ay ang pagdarasal nang 5 beses araw-araw.
5.) Ito ay ang pagpapahayag ng kanilang paniniwala na “Walang ibang Diyos maliban kay Allah at si Mohammed ang sugo ni Allah.

III. TAMA O MALI. (Islam)

1.) Isa sa mga suliranin na hinaharap ng mga Pilipinong Muslim ay ang diskriminasyon sa kanilang mga kasuotan.
2.) Ang Diyos ng mga Muslim ay nagngangalang Allah.
3.) Ang Ramadan ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buwan ng Enero.
4.) Nakalahad and kasaysayan ng mga Muslim sa tarsilah.
5.) Dumating ang Islam sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga misyonero at mangangalakal na Muslim.
6.) Matatagpuan ang karamihan ng mga Pilipinong Muslim sa Timog at Kanlurang Mindanao.
7.) Ang paglaganap ng Islam sa Maguindanao ay nagsimula kay Sarip Kabungsuwan.
8.) Isa sa mga diskriminasyon na hinaharap ng mga Pilipinong mga Muslim ay ang pagkilala sa kanila bilang mga terorista.
9.) Ang Islam ay hindi lamang isang relihiyon o paniniwala, ito rin ay paraan ng pamumuhay.
10.) Ang sultanato ay sentralisadong pamahalaan na pinamumunuan ng sultan.

IV. Multiple Choice. (Hispanisasyon- Pulitikal na Kalagayan)

A. Gobernador Heneral B. Audiencia C. Hacienda Publika D. Guardia Civil E. Gobernador F. Alcalde Mayor G. Gobernadorcillo H.Cabeza de Barangay

1.) Pinuno ng barangay na binubuo ng 30-100 na pamilya. Sila ay dating mga Datu.
2.) Sila ay ang tagapamahala ng municipio na binubuo ng cabecera, pangunahing pamayanan at mga visita o barrio.
3.) Tagapagpaganap ng mga lalawigan.
4.) Tagapamuno ng mga corregidor, lugar na hindi pa lubusang nasasakop.
5.) Tagapagingat ng yaman.
6.) Tagapangalaga ng kapayapaan.
7.) Tagapagpairal ng hustisya sa pamamagitan ng mga oidores o mga hukom.
8.) Tagapagtaguyod ng Kaharian at Simbahan ng Espanya.

IV. Multiple Choice. (Hispanisasyon- Ekonomiko na Kalagayan)

A. Tributo B. Polo y Servicios C. Vandala D. Encomienda E. Falla
F. Galleon Trade

1.) Ang sapilitang pagbenta ng mga produkto tulad ng bigas, pagkain, at iba pa.
2.) Ang sapilitang pagpapatrabaho ng mga katutubong Pilipino.
3.) Ito ay tinatawag na head tax.
4.) Ito ay ang karapatang ipinagkaloob ng Hari ng Espanya sa sinumang Espanyol o institusyon sa malawak na lupain ng Pilipinas.
5.) Ito ay ang pangangalakal sa iba’t ibang lugar gamit ang isang Galleon.

V. TAMA O MALI. (Kilusang Propaganda)

1.) Si Lopez Jaena ay ang nagsimula ng La Solidaridad.
2.) And Solidaridad ay isang sulatin na ginawa ng mga Pilipinosa Espanya.
3.) Si Jose Rizal ay kasali sa La Solidaridad.
4.) Ang nagsimula ng Diaryong Tagalog 1882 ay si Lopez Jaena.
5.) Ang 1896 Revolution ay may epekto sa Propaganda Movement.

VI. TAMA O MALI (1896 Revolution)

1.) Ang Kahulugan ng KKK ay Kataastaasang, Kagalanggalang Katipunan ng mga anak bayan.
2.) Si Emilio Aguinaldo ay ang nagsimula ng KKK.
3.) Ang suot ng Katipon ay pulang talukbong.
4.) Ang suot ng Kawal ay luntian na talukbong.
5.) Ang suot ng Bayani ay asul na talukbong.
6.) Si Aguinaldo ay ang nagpabaril kay Bonifacio.
7.) Natagpuan ng isang simpleng mamamayang Espanyol ang Katipunan.

VII. Multiple Choice. (Republika ng Malolos)

A. USS Maine B. Admiral George Dewey C. Emilio Aguinaldo
D. Hong Kong E.Hunyo 12, 1898

1.) Sa isang di-mapaliwanag na dahilan, sumabog ang barkong pandirigma ng Estados Unidos. Ano ang tawag sa barkong ito?
2.) Dito pinadala si Emilio Aguinaldo.
3.) Siya ay bumalik ng Pilipinas mula Hong Kong.
4.) Siya ay ang Amerikanong General na pumuntang Pilipinas.
5.) Ito ay ang araw nang ideklara ang kasarinlan ng Pilipinas.

VII. TAMA O MALI. (Digmaang Pilipino-Amerikano)

1.) Ayon sa mga Amerikano, ang mga Pilipino daw ay “Well-civilized people.”
2.) Si Emilio Aguinaldo ay sumuko sa mga Amerikano.
3.) Ang water cure ay isang gamot na nagpapagaling ng samu’t-saring sakit.
4.) Ipinalabas ng mga Amerikano na ang mga Pilipino ay ang unang nagpasimuno ng digmaan.
5.) Gumamit ang mga Amerikano ng DoTA-war laban sa mga Pilipino.

MGA PAHINA SA AKLAT-
IPs- pp.34-38
Islam- pp.66-81
Kolonyalismo- pp.83-121
Hispanisasyon(PESK)- pp.83-121
Sekularisasyon- pp.122-127
Kilusang Propaganda- pp.127-131
Rebolusyong 1896- pp.132-147
Republika ng Malolos- pp.148-167
Digmaang Pilipino-Amerikano- pp.175-185

G’luck. >:D<

Reviewer by santi09. :”>

No comments:

Post a Comment